-- Advertisements --

Nakakuha ng gold medal si pole vaulter EJ Obiena bago ag pagsabak nito sa Tokyo Olympics.

Nanguna kasi ito sa Taby Stav Gala Street Pole Vault na ginanap sa Stockholm, Sweden .

Naitala nito ang 5.80 meter mark sa nasabing torneo kung saan tinalo niya sa torneo si 2016 Olympic gold medalist Thiago Braz ng Brazil.

Noong nakaraang araw ay nagwagi ng silver medal si Obiena ng magtala ito ng 5.87 meter sa torneo na ginanap sa Poland.

Kabilang si Obiena sa 19 na Filipino atleta na sasabak sa Tokyo Olympics na magsisimula sa Hulyo 23.