-- Advertisements --
Nagtapos sa pang-walong puwesto si Filipino Olympian at pole vaulter EJ Obiena sa Mondo Classic na ginanawa IFU Arena sa Sweden.
Walang kapagod-pagod si Obiena sa unang dalawang bars sa 5.50 at 5.65 meters pero bigo ito sa ikatlong pagsubok sa 5.80 meters.
Nanguna naman si world record holder Mondo Duplantis na nakamit nito ang 6.05 meters.
Pumangalawa naman si Emmanouil Karalis ng Greece na mayroong 6.00 meters at pangatlo naman si Sam Kendricks ng US na mayroong 5.90 meters.
Una ng inanunsiyo ni Obiena na hindi ito makakalaro sa World Athletics Indoor Championship dahil sa kakulangan ng competitions at nakatuon na lamang ito sa outdoor season.