Nagwagi si Pinoy pole vaulter EJ Obiena sa 59th Ostrava Golden Spike competition sa Czech Republic.
Nahigitan nito sina reigning Olympic champion Thiago Braz ng Brazil, 2-time reigning world champion Sam Kendricks ng US, 2013 world champion Raphael Holzdeppe ng Germany, 2012 Olympic champion Renaud Lavillenie ng France at 2011 world champion Pawel Wojciechowkski ng Poland.
Nakapagtala si Obiena ng season-high na 5.74 meters sa kompetisyon na ginanap sa Mestsky Stadion sa Ostrava City.
Nahigitan nito ang ginawang 5.70 meters na naitala sa Wanda Diamond League sa Monaco noong Agosto.
Pumangalawa naman sa puwesto si Lavillenie habang nasa pangatlong puwesto naman si Kendricks.
Magugunitang si Obiena ang unang Filipino na nakapasok sa Tokyo Olympics.