-- Advertisements --

Nakatakdang sumailalim sa operasyon sa kaniyang kaliwang tuhod si Filipino pole vaulter EJ Obiena.

Kinumpirma ito ng kaniyang mentor na si Jim Lafferty kung saan aayusin ang meniscus ng nabanggit na atleta.

Dagdag pa nito na hindi pa malinaw sa MRI kung ang ilang bahagi ng kaniyang tuhod ay kabilang na ooperahan.

Dahil dito ay hindi makakapag-ensayo si Obiena ng hanggang anim na araw dahil sa kaniyang operasyon.

Nakatakda naman na kasi itong sumabak sa Init Indoor Meeting sa Karlshuhe, Germany na magaganap sa Enero 28.

Pagkatapos nito ay sasabak siya sa Asian Indoor Championship na gaganapin sa Kazakhstan mula Pebrero 11- 13.