-- Advertisements --

Handang makipag-ayos si Pinoy pole vaulter EJ Obiena sa Philippine Athletics Track and Field Association (Patafa) at nais din nitong maging bahagi ng national team.

Sinabi nito na gaya aniya ng naging mungkahi niya noong sa PATAFA na magiging maayos na ang kaniyang magiging liquidation o kapag may mga panibagong pondo itong makuha.

Sa ginawang pagdinig sa senado ng sports and finance committee na kagustuhan niya ang maging bahagi ng national team para maging representante ng bansa.

Magugunitang noong Nobyembre ay inakusahan si Obiena na nameke ng mga liquidation kaya ipinapabalik sa kaniya ang mahigit P4.8 milyo na nakalaan sa pagpapasahod sa kaniyang Ukrainian coach na si Vitaly Petrov.

Maging si PATAFA president Philip Juico ay nagpahayag ng kaniyang kagustuhan na magkaroon na rin ng pag-aayos.

Paliwanag pa ni Juico na ang desisyon na pagtanggal kay Obiena sa national team ay pasya ng board ng PATAFA.