-- Advertisements --

Umatras na si Pinoy pole vaulter EJ Obiena sa pagsali sa Init Indoor Meeting dahil sa kakulangan ng ensayo.

Sinabi ng kaniyang advisor na si Jim Lafferty na nagdesisyon si Obiena at coach nito na si Vitaly Petrov na hindi lumahok sa nasabing torneo nagaganapin sa Karlsurhe, Germany.

Wala aniyang problem sa kalusugan ni Obiena lalo na at gumaling na ang kaniyang tuhod mula ng operahan.

Tanging ang kawalan ng oras ng paghahanda ang nagtulak sa kanila na umatras na lamang.

Sa kaniyang social media ay humingi ng paumanhin si Obiena sa mga fans na hindi natuloy ang unang torneo na lalahukan sana ngayong taon.

Magugunitang noong nakaraang mga linggo ay sumailalim ito sa operasyon sa kaliwang tuhod para maayos ang meniscus tear.

Dahi dito ay posible sa Pebrero na ito magsisimula sa pagsabak na gaganapin sa Berlin.