-- Advertisements --

CAGAYAN DE ORO CITY – Maghahain ng kasong cyber libel ang nalagay sa kontrobersya na obispo ng isang kristiyanong simbahan laban sa mga tumuligsa at bumanat ng husto sa social media patungkol sa isyu na ito’y sangkot pagpaslang sa Mr.Cagayan de Oro 2023 candidate sa Barangay Nazareth,Cagayan de Oro City.

Ito ang kasagutan ni Lapasan Baptist Church Bishop Demvir Andales sa interbyu ng Bombo Radyo kung bakit nasangkot ang kanyang pangalan pagbaril-patay sa biktima na si Adriane Rovic Fornillos,23 anyos na tubong-Lapaz 2,Barangay Lapasan ng lungsod.

Sinabi ni Andales na blangko ito kung bakit nadamay ang kanyang pagkatao na kung tutuusin,hindi nito kilala ang biktima.

Sinagot rin ng pastor ang isyu na ka-relasyon nito ang nobya ng biktima sa matagal ng panahon kaya ipinapa-dispatsa noong Mayo 9.

Inihayag nito na walang basehan ang nasabing mga intriga dahil hindi nga niya direktang kilala ang babae na ka-relasyon ng biktima.

Una nang sinabi ng Cagayan de Oro City Police na ‘crime of passion’ ang pinaka-ugat kung bakit pinatay si Fornillos.

Magugunitang hindi lang sa bansa naging laman ang isyu laban kay Andales subalit ang maging ang overseas Filipino workers ay nakikisawsaw na rin nang pumutok ang isyu Biyernes ng gabi.