Nanawagan si Palawan Bishop Broderick Pabillo sa publiko na huwag makiisa sa ginagawang people’s initiative na nagtutulak para baguhin ang 1987 Philippine constitution
Aniya, hindi ito isang inisyatibo ng mga Pilipino bagkus ng ilang pulitiko lalo na at may mga ulat umano na binabayaran ang mga tao para pumirma sa nasabing people’s initiative.
Nagbabala rin ang obispo na baka magpatawag ng madaliang barangay assembly para dito kaya hinihikayat niya ang publiko na huwag pumirma sa nasabing inisyatibo.
Nagpahayag din ang iba’t ibang grupo ng pagkondena sa planong charter change. Para sa chairman ng Nagkaisa na si Sonny Matula, imbis na tutukan ang charter change ay unahin na lamang ang primary concern ng bansa gaya ng trabaho at pagtaas ng sahod.
Sang-ayon din dito si Renato Magtubo, ang chairman ng Partido Manggagawa. Aniya, hindi prayoridad ng mga Pilipino ang charter change dahil ayon sa isang survey ay ang inflation, kahirapan, at korupsyon umano ang gustong maaksyunan ng publiko.