-- Advertisements --

Naglabas ng kaniyang audio message ang obispo na sinaksak habang nagmimisa sa Australia.

Ibinahagi ng Christ The Good Shepherd Church ang mensahe ni Bishop Mar Mari Emmanuel habang ito ay nakaratay pa sa pagamutan.

Ito ang unang pagkakataon na nagbigay ng pahayag ang Obispo mula ng madugong insidente nitong Lunes ng gabi.

Sinabi nito na kaniyang pinatawad ang gumawa sa kaniya ng krimen dahil ito ang nakasaad sa bibliya.

Pinayuhan din nito ang mga supporters na hindi huwag ng magsagawa ng kilos protesta o gumanti at sa halip ay ipagdasal na lamang ang mga gumagawa ng masama.

Magugunitang bukod sa obispo ay may tatlong iba pa ang nasaksak ng 16-anyos na binatilyo kung saan ang mga ito ay dinala na sa pagamutan.