-- Advertisements --

Ikinadismaya ng obispo sa Brooklyn ang ginawang music video ng singer na si Sabrina Carpenter.

Makikita kasi sa music video nito na “Feather” na kinunan ito sa loob ng Annunciation of the Blessed Virgin Mary Church.

Sinabi ni Bishop Robert Brenan na hindi agad napag-aralan ang script ng nasabing music video.

Sa loob kasi ng 19th century old na simbahan kung saan makikita ang singer na ito ay sumasayaw pa.

Ang music video ay may temang tila isang horror movie kaya maraming mga pari ang umalma dito.