-- Advertisements --
Kottaya India
Kottaya India

Humarap sa korte ng India ang isang obispo ng Romano Katolika dahil uman sa makailang beses na gumahasa ng madre.

Kasama ng ilang mga supporters nito na nagsagawa ng prayer vigil ay humarap si Franco Mulakkal sa korte ng Kottayam sa Kerala state.

Si Mulakkal ay siyang tanging obispo na humarap sa korte kasunod ng mga iba’t-ibang iskandalo sa loob ng simbahan.

Nagbunsod ang kaso noong ito ay namumuno sa Missionaries of Jesus order sa taong 2014 hanggang 2016.

Noong nakaraang Oktubre ay inaresto ito at pansamantalang nakapaglagak ng piyansa.