-- Advertisements --
Pinatalsik ng Nicaragua si Bishop Carlos Herrera ang namumuno sa episcopal conference ng bansa.
Kasunod ito sa pinaigiting na hakbang ng bansa laban Simbahang Katolika.
Dahil dito ay nagtungo na ang 75-anyos na si Herrera sa Guatemala kung saan tinanggap siya ng mga miyembro ng Franciscan order.
Sinabi naman ng ilang mananampalataya na biktima ng diktador na bansang Nicaragua ang tahimik na obispo.
Noong 2018 anti-government protesta ay ipinaglaban ni Herrera ang mga kabataan na inaresto sa Jinotega.