-- Advertisements --
Sugatan ang isang obispo ng Eastern Orthodox church matapos na saksakin habang nagsasagawa ng misa sa Sydney Australia.
Naganap ang insidente sa The Good Shepherd Church sa Wakeley kung saan bukod pa sa Bishop Mar Mari Emmanuel ay may tatlong kataong iba pa ang sugatan.
Naitakbo na sa pagamutan ang mga biktima at sila ay nagpapagaling na.
Naaresto naman ang suspek at inaalam pa ang naging motibo nito sa pananaksak.
Ang insidente ay dalawang araw matapos ang pananaksak sa isang mall kung saan anim katao ang nasawi kung saan nabaril at napatay ng mga kapulisan ang suspek.