-- Advertisements --

Gagawin na lamang sa Disyembre 9 ang pag-obserba ng Solemnity of the Immaculate Conception of the Blessed Virgin Mary imbes na sa Disyembre 8 dahil ito ay nataon sa araw ng Linggo.

Ito ang inilabas na circular ng Archdiocese of Manila na uunahin na lamang na iprioridad ang Second Sunday of Advent at sa halip sa solemnity.

Lahat ng mga misa at liturhiya sa mga oras ng gabi ng Disyembre 7 at buong araw ng Disyembre 8 na liturgy ng Second Sunday of Advent ay ipagdiriwang.

Dahil din dito na ang holy day of obligation na dumalo sa misa sa Disiyembre 8 ay ililipat na lamang sa Disyembre 9.