-- Advertisements --

Tinuligsa ng mga Democrat prosecutors si US President Donald Trump ukol sa umano’y paggamit nito ng kanyang kapangyarihan upang pagtangkaang pigilan ang congressional probe ukol sa umano’y pamimilit nito sa Ukraine na imbestigahan ang kaniyang karibal na si Joe Biden.

Sa ikatlo at huling araw ng opening arguments, ipinakita ng Democratic lawmakers na guilty si Trump sa pagpigil sa Kongreso ng Amerika sa pamamagitan ng pagharang sa ilang mga key witnesses at hindi pagbibigay sa mga dokumento sa sa imbestigasyon.

Ayon kay House Intelligence Chairman Adam Schiff, muli nitong hinimok ang mga senator-judges na dapat nang alisin sa puwesto si Trump, na hindi raw dapat na pagtiwalaan na pamunuan pa ang Amerika.

“You know you can’t trust this President to do what’s right for this country. You can trust he’ll do what’s right for Donald Trump,” wika ni Schiff. “If you find him guilty, you must find that he be removed. Because right matters. And the truth matters. Otherwise we are lost.”

Iginiit din ni Schiff na ang aktuwasyon ni Trump ay may malaki ring epekto sa kanyang mga kapartido sa Republican Party.

“If the Senate allows the President to get away with such extensive obstruction, it will affect the Senate’s power of subpoena and oversight just as much as the House,” anang mambabatas.

Sa kampo naman ni Trump, sinabi ng lead counsel na si Jay Sekulow na ang pokus ng mga House managers sa mga Biden ay mistulang nagbukas ng pinto para sa magiging tugon mula sa defense team. (CNN)