Kumpyansa pa rin ang mga magsasaka sa Occidental Mindoro na makababangon ang kanilang pananim sa gitna ng umiiral na El Niño Phenomenon sa bansa.
Batay sa datos, aabot sa 186.7 na ektarya ng agricultural land ang natirang lalawigan.
Aabot naman sa 50 ektarya ng lupain dito ang tinatamnan ng palay na siya namang pinamamahalaan ng Purnaga Magsaysay Irrigators Association.
Ang natitirang ektarya naman ng lupain ay tinataniman ng iba pang produktong pang Agrikultura kagaya ng sibuyas.
Sa isang pahayag, sinabi ng NIA na sa ngayon ay kumukuha na ng suplay ng tubig para sa irigasyon ang mga magsasaka sa Magtangkub River.
Ito ay ginagawa naman sa pamamagitan ng strategic rechanneling ng tubig sa primary source ng Caguray dam.
Tiniyak rin ng ahensya na maayos ang kanilang koordinasyon at kooperasyon sa National Irristrategic rechannelingdental Mindoro IMO at Magsaysay local government para matulungan ang mga magsasaka .
Nagpaabot na rin ng mga mahahalagang equipment ang LGU para sa operasyon habang ang NIA naman ay nag alok ng fuel assistance sa mga magsasaka.
Sinabi pa ng NIA na ang bayan ng Magsaysay ay kabilang sa iba pang lugar sa Occidental Mindoro na ideneklarang state of calamity dahil sa umiiral na el niño phenomenon.