-- Advertisements --

(Update) Binulabog ng magnitude 5.4 na lindol ang Occidental Mindoro, na naramdaman din sa Metro Manila at iba pang mga kalapit na lalawigan, dakong alas-3:18 ng madaling araw.

Sa impormasyon mula sa Phivolcs, naitala ang sentro ng pagyanig sa 31-kms hilagang-silangan ng bayan ng Lubang.

May lalim itong 76 kms at tectonic ang pinagmulan.

Naramdaman ang Intensity 4 sa Makati City; City of Manila; Paranaque City; habang Intensity 3 sa Malabon City; Mandaluyong City; Pasay City; Pateros; Quezon City; Taguig City; Tagaytay City, Cavite; Calapan City, & Puerto Galera, Oriental Mindoro; Calatagan, & Lipa City, Batangas.

Naramdaman din ang Instrumental Intensities sa:

Intensity IV – Calatagan, Batangas; Malolos City, and San Ildefonso, Bulacan; Navotas City
Intensity III – Calapan City, Oriental Mindoro; Talisay, Batangas; Bacoor City, and Tagaytay City, Cavite; Muntinlupa City; Guagua, Pampanga
Intensity II – Magalang, Pampanga; San Juan City
Intensity I – San Jose, Occidental Mindoro; Palayan City, and San Jose City, Nueva Ecija; Gumaca, Quezon; Baler, Aurora

Bagama’t nagbabala ang ahensya na posibleng magkaroon pa ng aftershocks sa mga susunod na oras, hindi raw aasahan na magiging mapanira na ito dahil sa kalaliman ng lindol.

Ayon kay Phivolcs Dir. Renato Solidum, hindi rin dapat na mag-alala ang publiko dahil hindi ito magdudulot ng tsunami kahit nasa dagat dahil malalim ang lindol at hindi ganoon kalakas.