-- Advertisements --

Niyanig ng magnitude 5.5 na lindol ang karagatang bahagi ng Occidental Mindoro nitong gabi ng Lunes.

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) na ang epicenter ng pagyanig ay nakita sa 23 kilometro ng northeast ng Lubang, Mindoro dakong 6:42 ng gabi.

Isang tectonic ang uri ng lindol na mayroong lalim na aabot sa 116 kilometro.

Naramdaman ang intensity 4 sa Lubang, Occidental Mindoro; Intensity 3 naman sa Quezon City, Makati City, Taguig City; Obando, Bulacan; Hermosa, Bataan; Cainta, Rizal at Cabuyao City, Laguna.

Intensity 2 naman ang naramdaman sa Puerto Galera, Oriental Mindoro; Cuenca at Talisa sa Batangas; Tagaytay City at Bacoor sa Cavite habang intensity 1 naman sa Muntinlupa City.

Wala namang naitala ang PHIVOLCS na anumang damyos pero asahan ang mga aftershocks.