Nasa 75 percent na umano mula sa 4,200 intensive care unit (ICU) beds para sa Coronavirus disease 2019 (COVID-19) ang okupado na ng mga pasyente sa buong kapuluan.
Ayon sa Department of Health (DoH), base sa kanilang pinakahuling datos ang COVID-19 ICU occupancy ng National Capital Region (NCR) ang nasa high risk.
Aabot din umano ito sa 75 percent mula sa 1,500 beds na ginagamit.
Ikinokonsidera na kasing “high risk” kapag ang utilization ay lumagpas na sa 70 percent pero mas mababa naman sa 85 percent.
Samantala, ang ward beds para sa COVID-19 patients naman sa buong bansa at NCR ay nasa high risk na rin.
Ayon sa DoH, 71 percent sa 15,400 ward beds nationwide ay kasalukuyan nang ginagamit at 73 percent ng 4,200 ward beds sa NCR ay nagamit na rin.
Ngayong linggo nasa kabuuang 20,019 ba bagong COVID-19 cases ang naitala ng DoH at mayroon nang kabuuang 2,080,984 na kaso ang bansa.
Sa data ng DoH, dahil sa panibagong kaso, mayroon na ngayong 157,438 active case at 92 percent dito ay mild, 3.4 percent ang asymptomatic, 1.4 percent severe at 0.7 percent naman ang nasa critical condition.
Sa kabilang dako, ang total recovery count ay nasa 1,889,312 matapos maitala ang karagdagang 20,089 na gumaling sa naturang sakit.
Pero ang death toll ay pumalo na sa 34,234 matapos maitala ang 173 na bagong namatay ngayong araw.