-- Advertisements --

GENERAL SANTOS CITY – Agad na rumesponde ang Office of the Civil Defense o OCD 12 sa mga lugar na apektado ng ulan bunsod ng bagyong “Betty” sa Region 12.

Ayon kay Jorrie mae Balmediano ang tagapagsalita ng OCD 12 na mahina hanggang katamtaman lang ang epekto ng bagyo sa rehiyon.

Sa buong rehiyon kasi, ang pagguho lang ng lupa sa Arakan, North Cotabato ang tanging kasalukuyang naitalang epekto ng bagyo kung saan mabilis ding nakaresponde ang kanilang team.

Ayon pa kay Balmediano, nahinto lang saglit ang biyahe ng mga sasakyang dumaraan sa naturang lugar.

Wala namang naitalang nasaktan sa nangyaring pagguho ng lupa.

Maliban dito, patuloy din tinututukan ng OCD 12 ang mainit na buwan ng Hunyo kung saan nakipag-ugnayan na sila sa iba pang ahensya ng gobyerno upang pag-usapan ang mga contingency plan para sa mga posibleng maapektuhan na mga magsasaka.