GENERAL SANTOS CITY – Muling hinimok ni Joriemae Balmediano, tagapagsalita ng Office of Civil Defense (OCD) Region 12 ang lahat na makilahok sa second quarter Nationwide Simultaneous Earthquake Drill (NSED) ngayong araw, Hunyo 28.
Aniya, gaganapin ang drill sa ganap na 2:00 hapon.
Ang layunin ng Earthquake Drill ay upang malaman ang mga angkop na paghahanda at aksyon kung sakaling magkaroon ng lindol.
Ito ay paghahanda na rin sa tinatawag na “The Big One” o ang posibleng magnitude 7.2 na lindol.
Sa drill na ito, inaasahang makilahok ang publiko sa pamamagitan ng pagsasagawa ng Duck, Cover, at Hold posture.
Makakasama ng OCD ang iba pang ahensya ng gobyerno at local government units sa naturang aktibidad.
Umapela din ang opisyal sa lahat na seryosohin ang drill dahil makakapagligtas ng buhay ang mga natututo dito kapag may lindol.
Dapat aniya magsama-sama ang lahat sa drill na ito. Narito pakinggan natin si Joriemae Balmediano, tagapagsalita ng Office of Civil Defense Region 12.