-- Advertisements --

KORONADAL CITY – Nakatutok sa ngayon ang Office of the Civil Defense (OCD) 12 sa mahigit isanlibong mga pamilya na apektado ng nangyaring pagyanig ng magnitude 6.3 na lindol sa malaking bahagi ng Mindanao.

Sa ekslusibong panayam ng Bombo Radyo Koronadal kay Office of the Civil Defense o OCD 12 Assistant Regional Director Jerome Barranco, nagpapatuloy ang kanilang assessment sa lahat ng mga ahensya sa malakinga epekto ng lindol.

Sa rehiyon 12, umabot sa dalawa ang binawian ng buhay habang mahigit 20 naman ang sugatan mula sa mga lalawigan ng North Cotabato, Sultan Kudarat at South Cotabato.

May mga mahigit tatlumpong nasira din na bahay, nawasak na mga gusali at Umabot naman sa 31 mga LGUs ang nagdeklara ng kanselasyon ng klase at trabaho.

Samantala, pinaaga naman ang pagpapauwi sa mga empleyado ng kapitolyo sa South Cotabato at lungsod ng Koronadal dahil sa sunod-sunod na aftershocks.