CAUAYAN CITY – Handang-handa na ang Office of the Civil Defense (OCD)-Region 2 sa isasagawang simultaneous earthquake drill ngayong araw, Hunyo 20.
Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Ronald Villa, pinuno ng operations section ng OCD-Region 2, sinabi niya na nagsagawa na sila ng iba’t ibang mga pagpupulong sa lungsod ng Cauayan sa tulong ng Cauayan City Disaster Risk Reduction Management Council kasama ang iba’t ibang ahensya na bumubuo dito.
Aniya, ang isasagawa nilang earthquake drill ay para alamin ang kahandaan ng local government units, mga paaralan, at iba pang establisimento kapag may lindol.
Ang kanilang pilot venue ay sa isang malaking mall sa lungsod.
Idinagdag pa ni Villa na puspusan ang kanilang awareness campaign sa mga paaralan dahil sa pagdami ng mga matataas na gusali at maging prayoridad pa rin ang kaligtasan ng mga mag-aaral.
Dapat aniyang seryosohin ng mga mag aaral ang mga isinasagawang earthquake drill para kung magkaroon ng totoong lindol ay hindi sila magpanik dahil mayroon na silang kaalaman kung ano ang gagawin sa naturang sitwasyon.