Aminado ang Office of Civil Defense (OCD) na naging mabagal ang pagresponde ng pamahalaan sa lindol sa Batanes.
Ayon kay Defense Secretary Delfin Lorenzana, kahit sapat ang personnel sa lugar pero kulang ang military asset sa Batanes kaya nagkaroon ng problema sa transportasyon para ialis ang mga tao sa disaster area sa Itbayat.
Sinabi ng kalihim, kailangan nila ng dagdag na kagamitan para magamit sa pagresponde at makapaglapat ng ‘first aid’ sa mga biktima ng lindol dahil hindi uubra ang mga bangka.
Ayon naman kay NDRRMC executive director Usec Ricardo Jalad na rekomendasyon ngayon ng OCD na gawing naaayon sa building code ang pagtatayo ng mga bahay roon.
Paliwanag ni Jalad, handa ang mga-taga Batanes sa bagyo pero hindi sa lindol kaya lesson learned ito kung maituruing bilang paghahanda sa “The Big one” o magnitude 7.2 na na tatama sa Metro Manila kapag gumalaw na ang West Valley Fault.