-- Advertisements --

LEGAZPI CITY – Naka-alerto umano ang Office of the Civil Defense (OCD) Bicol sa nakaambang sama ng panahon sa rehiyon.

Sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay OCD Bicol Director Claudio Yucot, iginiit nito ang kahalagahan ng paghahanda kaya’t nag-abiso na sa mga local disaster management councils ng kaukulang hakbang.

Bukod pa rito, inaasikaso na rin umano ang long-term preparedness sa pagpapatayo ng 31 evacuation centers.

Batay sa tala ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), nasa hanggang 20 bagyo ang pumasok sa bansa bawat taon kung saan limang ang may track na patungong Bicol.

Tiniyak ng opisyal na handa ang ahensya sa pag-aksyon sa anumang kalamidad at sa pagbibigay-asistensya sa mga residente sa panahon banta ng bagyo, baha, landslide at iba pa.

Samantala maliban sa kalamidad, nakatutok rin ang OCD sa pagkontrol sa tumataas na kaso ng dengue sa rehiyon kaya’t naglilibot kasama ang Department of Health (DOH) Bicol.