-- Advertisements --

Patuloy ang gobyerno sa paghahatid ng tulong sa lahat ng mga pamilyang apektado ng pag-aalburuto ng Bulkang Bulusan sa lalawigan ng Sorsogon.

Ito ay alinsunod na rin direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na siguraduhing maayos ang ginagawang pagtugon ng gobyerno sa mga naaapektuhan ng kalidad.

Kaugnay nito ay aabot naman sa 44,000 piraso ng face masks ang naipamahagi ng OCD- Bicol sa lahat ng mga residenteng apektado ng pag-aalburuto ng bulkan.

Bukod dito ay nakapaghatid rin ang ahensya ng nasa 2,000 hygiene kits sa lahat ng mga evacuee.

Sa isang pahayag ay sinabi ni OCD Region V Director Claudio Yucot, ang kanilang stockpile ay sasapat para matustusan ang pangangailangan ng Pamahalaang Panlalawigan ng Sorsogon.

Una nang hiniling ng lalawigan ang nasa 10,000 face masks at 1,500 hygiene kits para sa kanilang mga residente.

Patuloy rin ang pakikipag-ugnayan ng kanilang ahensya sa pamunuan ng Armed Forces of the Philippines para naman sa kanilang aerial reconnaissance .