Pinag-iingat ngayon ng Office of Civil Defense – Region 4A (CALABARZON) ang mga residente ng Batangas dahil sa posibleng epekto sa kalusugan ng volcanic smog o vog na dulot ng Bulkang Taal.
Ginawa ng ahensya ang paalala kasunog ng pinakabagong naiatalang pag-aalburuto ng naturang bulkan nitong weekend.
Sa naging pahayag ng OCD, pinayuhan nito ang mga residente na hanggat maaari ay pumirmi na lamang sa loob ng tahanan kung hindi naman importante ang lakad.
Makabubuti rin na mag-suot N95 mask kung lalabas ng bahay na magsisilbing proteksyon sa alikabok na mula sa bulkan.
Paliwanag ng ahensya , ang vog na nagmumula sa bulkan ay mapanganib sa kalusugan lalo na sa baga ng tao.
Ito ay maaari ring magdulot o maging sanhi na eye irritation , at makaapekto sa lalamunan ng isang indibidwal.