DAVAO CITY – Pinaalalahanan ngayon ng Office of the Civil Defense-Davao Region (OCD-Davao) ang mga residente sa lungsod kasabay ng nakatakdang pagpasok sa Philippine Area of Responsibility (AOR) ng weather disturbance at posibleng epekto na idudulot ng tropical depression sa bansa kung ang Davao region ang sentro nito.
Una ng sinabi ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (Pag-asa) na aasahang makakaranas ng mga pag-ulan ng kapaskohan sa rehiyon.
Ayon kay Louise Mark Cirunay, OCD-Davao Chief ng Operations Section, patuloy nila na minomonitor ang low-pressure area (LPA) para agad makapagsagawa ng mga hakbang.
Una ng napag-alaman mula sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), na nasa 235 na mga pamilya ang apektado sa Bagyong Odette o 600 na mga indibidwal.
Bagaman wala namang naitalang casualties o sugatan sa insidente maliban lamang sa ilang mga bahay sa lungsod na nasira dahil sa nangyaring landslide sa may Matina nitong siyudad.