Itinanggi ng Office of Civil Defense (OCD), National Disaster Risk Reduction Management Council (NDRRMC) na sila ang bumibili ng mga mga decontamination chemical na ginagamit sa isa sa COVID-19 mega quarantine facility na minamanduhan ng PNP.
Ayon kay NDRRMC Spokesperson Mark Timbal, hindi sila ang in-charge sa pagbibigay at pagbili ng mga decontamination chemicals sa ULTRA COVID quarantine facility.
Bagamat ang OCD ang service provider ng nasabing mega quarantine facility gaya ng food catering, lodging for servicing personnel, provision of PPE, hygiene kits, medical equipment and supplies, janitorial services at waste collection and disposal.
Sinabi rin ni Timbal na welcome sa kanila ang anumang imbestigasyon.
“OCD welcomes any investigation that will shed light on the death of the police doctor from the ULTRA Covid 19 Quarantine facility,” pahayag pa ni Timbal.
Nilinaw din ni Timbal na ang OCD ay hindi involved sa actual management and operation ng nasabing quarantine facility.
Kumpiyansa ang pamunuan ng OCD na mareresolba ng PNP ang nasabing kaso at matukoy kung saan nanggaling ang nakakalasong kemikal na nai-spray kay Dr. Casey Gutierrez.