VIGAN CITY – Tiniyak ng Office of Civil Defense (OCD) na may naka-standby na food packs at ayuda para sa mga pamilyang inilikas ngayon dahil sa bagyong Falcon.
Sa panayam ng Bombo Radyo sinabi OCD spokesperson Mark Timbal na mahigpit ang kanilang koordinasyon ng Department of Social Welfare and Development para maipaabot ang tulong sa mga lumikas ng kanilang tahanan dulot ng bagyo.
Nagbabala naman ito sa publiko na huwag ng magmatigas at makinig sa payo ng mga opisyal hinggil sa paglikas.
Posible raw kasing maitala ang landslide at pagbaha sa mga lugar na prone areas.
Bagamat nasa labas na raw ng Philippine Area of Responsibility ang bagyo ay hinahatak pa rin umanon nito ang Habagat at isa pang Low Pressure Area na malapit sa Sinait, Ilocos Sur.