Tiniyak ng Office of the Civil Defense (OCD) sa naging Press Conference ngayong araw na handa ang concerned government agency sa posibleng maging epekto ng storm surge sa walong probinsiya na nabanggit, ayon ito kay OCD Spokesperson Director Edgar Posadas.
Aniya, ang lahat ng pagpapaalam ng impormasyon patungkol sa storm surge ay nasimulan na. Hindi lamang sa OCD regional offices ipinapakalat ang impormasyon, pati na rin sa publiko para ipaalam at gabayan sila sa maaaring gawin at epekto ng naturang storm surge.
Dagdag pa niya na may mga ginagawa na sila pag-didisseminate lalo’t higit sa mga Local Government Units (LGUs) na posibleng matamaan ng storm surge. Ngayon pa lamang ay tiniyak niya na meron ng mga plano ang mga lokal na pamahalaan para sa magiging epekto nito sa kanilang lugar dahil na rin sa tulong ng forecast na nalabas.
Matatandaan na ang Albay, Aurora, Cagayan, Camarines Norte, Camarines Sur, Catanduanes, Isabela at Quezon ang mga natalang maaaring magkaroon ng minimal hanggang moderate na banta ng storm surge. (Report by Bombo Ysa)