-- Advertisements --
Pumalo na sa mahigit 700 pasahero ang stranded sa iba’t ibang mga pantalan sa Bicol Region dahil sa Tropical Storm Ulysses.
Sa datos na inilabas ng Office of Civil Defense (OCD)-Region 5, nasa kabuuang 746 pasahero ang na-standed sa mga daungan sa mga lalawigan ng Albay at Sorsogon.
Maliban dito, may stranded ding isang bus, 260 trucks, 32 light vehicles at siyam na mga sasakyang pandagat.
May 30 sea vessels din ang pansamantala munang nanatili sa mga pantalan.