-- Advertisements --

Kinumpirma ng Office of Civil Defense na sa susunod na buwan na gagawin ang rocket launch ng Long March 8A Rocket ng China.

Sa kabila ng pag-urong sa schedule nito, pinayuhan pa rin ng ahensya ang mga residente sa Palawan at Basilan sa posibleng pagbagsak sa mga debris nito sa naturang lugar.

Naka schedule sana ang rocket launch ng China mula Enero 25 hanggang ngayong araw Enero 27 ng kasalukuyang taon.

Batay sa impormasyon ng OCD, magmumula ang naturang rocket sa Wenchang Spacecraft Launch Site sa Hainan, China.

Pinatitiyak naman ng OCD sa mga concerned agencies ng gobyerno na tiyaking ligtas ang mga residente lalo na yuong mga nasa coastal areas mula sa mga parte ng rocket na maaaring malaglag sa kanilang lugar.

Nabatid na ang drop points nito ay may lalong 85 nautical miles mula sa bahagi ng Rozul Reef.

Natukoy rin ang pagbabagsakan nito sa 40 nautical miles mula sa parte ng Puerto Princesa, Palawan habang nasa 33 nautical miles naman ang lalo nito mula sa Hadji Muhtamad, Basilan.

Sa ngayon ay walang pang eksaktong petsa kung kailan ito muling isasagawa ng China sa susunod na buwan.