Binigyang diin ng Office of Civil Defense – National Disaster Risk Reduction and Management Council ang kahalagahan ng paghahanda para matiyak ang kaligtasan ng mga mamamayan tuwing may tumatamang kalamidad sa bansa.
Kaugnay nito tiniyak ng ahensya na handa na sila para tugunan ang pangangailangan ng publiko ngayong may bagyo Enteng sa Pilipinas.
Ginawa ni OCD Administrator, Undersecretary Ariel Nepomuceno ang naturang pahayag kasabay ng isinagawang Pre-Disaster Risk Assessment Meeting ng ahensya.
Sa nasabing pagpupulong nga ay itinaas ang red alert status sa mga lugar na nakataas ang signal number 1.
Ito ay dahil sa mataas na posibilidad ng pagbaha at pagguho ng lupa dahil sa mga pag-ulang dala ng sama ng panahon.
Kaugnay nito ay inactivate na rin ng ahensya ang protocol nito para sa posibleng pagtugon sa mga apektadong pamilya ng mga LGUs.