TUGUEGARAO CITY – Nakataas na sa blue alert status ang Office of Civil Defense (OCD)-Region 2, gayundin ang local government units (LGUs), at lahat ng ahensiya ng gobyerno bilang paghahanda sa pananalasa ng Bagyong Falcon.
Kagabi ay itinaas na ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration, sa storm signal No. 1 ang Batanes, Cagayan kabilang ang Tuguegarao city at Northern Isabela.
Ayon kay Ronald Villa ng OCD-Region 2, kahapon ay nagpulong ang mga miyembro ng Cagayan Valley Regional Disaster Risk Reduction Management Council para sa pre-disaster risk assessment.
Aniya, ito’y para malaman ang preparedness measure na gagawin ng bawat ahensiya ukol sa Bagyong Falcon.
Samantala, sinabi ni Villa na ngayong araw malalaman ang desisyon ng Philippine coast Guard kung magdedeklara ng “no sail policy.”
Sa ngayon ay nakakaranas ng pabugso-bugsong mahinang pag-ulan ang Cagayan