-- Advertisements --

Magbabantay din ang Office of Civil Defense (OCD) sa kabuuan ng Black Nazarene Traslacion 2025.

Ayon sa OCD-National Capital Region, bagamat ang nangungunang namamahala ay ang Quiapo Church, Manila Disaster Risk Reduction and Management Office (DRRMO), at Metropolitan Manila Disaster Risk Reduction and Management Council (MMDRRMC), magsasagawa din ito ng monitoring sa kabuuan ng selebrasyon.

Kinabibilangan ito ng real-time monitoring sa Andas (Black Nazarene Carriage), deployment ng mga local team sa ground, paggamit ng mga satellite phones at UHF/HF radio para sa mas maayos na komunikasyon.

Tiniyak din ng ahensiya na tutulong itong magbabantay sa seguridad kasama ang iba’t ibang security forces.

Bago nito ay nakipagpulong si OCD NCR Regional Director George Keyser sa mga kinatawan ng iba’t-ibang ahensiya, simbahan, mga grupo na mamamahala sa kabuuan ng Traslacion.

Iprinisenta rin ng mga ito ang kanilang deployment plan, security plan, at contingency plan para sa kabuuan ng kapistahan.

Hanggang ngayong araw, iniulat ng OCD na nananatiling maayos ang kabuuan ng Traslacion 2025 habang napapanatili rin ang normal situation.