-- Advertisements --

Mariing na kinondena ng Office of Civil Defense (OCD) ang paggamit ng Emergency Cell Broadcast System (ECBS) para sa pangangampaniya ngayong national and local election. Ito ay matapos na makatanggap ng mga ulat ang kanilang tanggapan na maraming residente mula sa mga probinsiya ang nakakatanggap ng mga mensahe na hinihimok silang iboto ang partikular na mga kandidato.

Sa isang pahayag na inilabas ng OCD, binigyang diin ng ahensya na mahigpit na ipinagbabawal at mapanganib ang paggamit ng ECBS bilang bahagi ng pangangampaniya ng mga kumakandidato ngayong eleksyon.

Ayon sa ahensya, ang ECBS ay hindi dapat ginagamit sa pangangampanya at para lamang sa pagbibigay ng mga impormasyong live-saving alerts tuwing emergencies gaya ng lindol, bagyo at ilan pang mga sitwasyon na maaaring makaapekto sa seguridad ng publiko.

Ang paggamit nito sa political purposes ay maaaring makaapekto sa pamamahagi ng mga emergency alerts at maaaring maging immitent threat sa buhay ng mga mamamayang Pilipino.

Samantala, pinaalalahanan naman ng ahensya ang mga kandidato na ang ECBS ay ginagamait para sa mga urgent emergency notifications at hindi para gamitin bilang campaign platform dahil sa maari aniya itong pag-ugatan ng pagkalito lalo na kung dumating ang mga matitinding krisis sa bansa.

Sa ngayon kinumpirma naman ng ilang service providers na hindi nila ginagamit ang ECBS lalo na kung hindi ito para sa mga emergency purposes habang inuudyok naman ng OCD ang mga ito na panatilihing protektado ang integridad ng kanilang mga emergency alert systems at siguruhing gagamitin ito sa tama.