-- Advertisements --
Mayroon pang natitirang pondo ang gobyerno para pantulong tuwing mayroong mga kalamidad.
Sinabi ni Office of the Civil Defense (OCD) Operations Service director Bernardo Rafaelito Alejandro na nasa P2 bilyon pa ang balanseng natitira.
Ayon naman kay acting Budget Secretary Tina Canda na ang gobyerno ay maaaring kunin nila ang P2 bilyon na pondo ng National Disaster Risk Reduction Management at P2 bilyon sa contigent fund ng Office of the President para matupad ang naging pangako ni Pangulong Rodrigo Duterte ng P10-B para sa pagtulong sa mga nasalanta ng bagyong Odette.
Magugunitang unang inamin ng pangulo na nasagad na ang pondo ng gobyerno kaya gumagawa na lamang ito ng paraan para makahanap ng pondo.