-- Advertisements --
Magpapatupad ng mga pagbabago ang Office of the Civil Defense (OCD) sa gaganaping Nationwide Simultaneous Earthquake Drill (NSED) sa darating na Marso 13.
Ang nasabing drill ngayong taon ay gaganapin sa Sta. Rosa, Laguna kung saan layon nito ay para maipakita ng rehion ang kanilang pagresponde sa tuwing may lindol.
Maipapakita rin dito kung gaano sila kabilis makipag-koordinasyon sa iba’t-ibang ahensiya.
Dagdag pa ng OCD na quarterly drill ay dito makikita ang kahandaan ng lungsod ng Sta. Rosa at mga katabing bayan ganun din ang kanilang Regional Disaster Risk Reduction and Management Council sa region 4A.
Hinikayat din ng OCD ang publiko na lumahok at seryosohin ang nasabing drill.