-- Advertisements --

Pinayuhan ng Office of Civil Defense (OCD) ang publiko na magtipid sa tubig at gawin ang lahat ng kanilang makakaya upang makatipid ng mga mapagkukunan upang mabawasan ang epekto ng El Niño.

Nagpahayag ng pangamba si Undersecretary Ariel Nepomuceno, OCD administrator, na hindi 100 porsiyentong handa ang gobyerno para sa matagal na tagtuyot na dulot ng EL Nino phenomenon.

Pinapataas kasi ng El Niño ang posibilidad ng mas mababa sa normal na kondisyon ng pag-ulan, na posibleng magdulot ng mga dry spells, tagtuyot, at iba pang masamang epekto sa kapaligiran.

Ayon sa DOST, inaasahang magpapatuloy ang malakas na El Niño hanggang ngayong buwan.

Gayunpaman, ang karamihan sa mga climatechange models sa mundo ay nagmungkahi na ang El Niño ay malamang na magpapatuloy hanggang Mayo.

Halos buong Pilipinas ang magkakaroon ng drought o 90 days tagtuyot na kung saan tinatayang 65 mga probinsya sa buong bansa ang makaakranas nito.

Sa kasalukuyan, patuloy pa rin ang ginagawang mga hakbang ng ahensya upang mas makatugon sa malawakang epekto ng El Nino sa buong bansa.