Puspusan na ang paghahanda ng Office of the Civil Defense (OCD) para matiyak na walang maitalang casualties sa panahon ng La Niña phenomenon sa bansa.
Ayon kay OCD Administrator USec. Ariel Nepomuceno, para matiyak ang kaligtasan ng lahat at walang masawi, dapat na mapigilan ang iba pang posibleng epekto ng La Nina tulad ng baha.
Posible aniya ito dahil taon-taon ay sinasalanta ng mga bagyo ang bansa.
Nakagawian na aniya na bago ang pagsisimula ng tag-ulan, nagpapatupad ang mga ahensiya ng pamahalaan para sa posibleng epekto ng bagyo at matinding mga pag-ulan.
Subalit ang mahalaga aniya dito ay mapanatili at mapabuti ang pagsisikap at pag-apply ng mga araw mula sa nakalipas na kalamidad para sa kasalukuyang mga paghahanda.
Kaugnay nito, nakikipagtulungan na ang OCD sa regional offices gayundin sa iba pang government agencies sa paghahanda para sa panahon ng tag-ulan.
Binigyang din din ng OCD official ang pakikipagtulungan ng lahat sa paghahanda sa kaukulang mga hakbang.
Base sa monitoring bulletin ng state weather bureau kasalukuyang nagta-transition na ang bansa sa rainy season.
Inaasahan naman na mararamdaman sa huling kwarter ng 2024 ang epekto ng La Nina phenomenon na inaasahang magdadala ng mas maraming bagyo at above normal na mga pag-ulan.