-- Advertisements --

Binalaan ng pamunuan ng Office of Civil Defense ang publiko maging ang mga turista na mag-ingat sa posibleng ashfall resulta ng ash emissions mula sa nag-aalburutong Bulkang Kanlaon.

Batay sa report ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology, nagkaroon ng sunod-sunod na mahinang ash emissions ang bulkan.

Nagsimula ito alas 2 hanggang alas 8:30 ng umaga ngayong araw.

Tumagal ito mula labing pitong minuto hanggang mahigit isang oras.

May taas naman itong umaabot sa 400 meters batay sa monitoring ng ahensya.

Sa kabila nito ay nananatiling nasa alert level 3 ang bulkan o mataas parin ang tyansa ng pagsabog nito.

Pinayuhan rin ng ahensya ang lahat na maging mapagmatyag sa posibilidad ng pagkakaroon ng pagsabog, ashfall o lava flow sakaling magkaroon ng ulan sa lugar.