-- Advertisements --

LEGAZPI CITY – Tiniyak ng Office of the Civil Defense (OCD) Bicol na may matatanggap na ayuda ang mga residente na nananatili pa rin sa evacuation centers, partikular na sa Masbate dahil sa epekto ng magkasunod na Bagyong Tisoy at Ursula.

Una nang ikinabahala ng Masbate Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office ang paubos nang quick response fund na ginagamit ng mga lokal na pamahalaan para sa 50,000 pamilya na nawalan ng bahay.

Ayon kay OCD Bicol Dir. Claudio Yucot sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi, kung hindi na kayang suportahan ng local government units ang mga evacuees tatlong araw matapos ang kalamidad, may naka-preposition na relief goods ang Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Dagdag pa ng opisyal na hindi pababayaan ang mga apektado ng kalamidad.