-- Advertisements --

Pinasalamatan ng Office of Civil Defense (OCD) ang lahat ng mga lumahok sa 4th quarter Nationwide Simultaneous Earthquake Drill kaninang umaga.


Ayon kay OCD Deputy Adminstrator Asec. Casiano Monilla, natutuwa sila dahil habang tumatagal ang pagdaraos ng earthquake drill ay mas marami ang mga lumalahok.

Kahit pa nasa gitna ng pandemya ang bansa ay nagagawan pa rin ito ng paraan sa pamamagitan ng makabagong paraan tulad ng paggamit ng social media.

Binigyang-diin ni Monilla na mahalaga ang maging handa laban sa sakuna dahil hindi biro ang lawak at epekto ng malakas na lindol na hindi natin alam kung kailan tatama.

Pagigiit ni Monilla, mahalaga ang duck cover and hold na dapat ay awtomatikong gawin.

Samantala, ipinaliwanag naman sa mga participants na habang naka duck cover and hold maging kalmado sa pagkilos papunta sa mga evacuation area.

Ipinunto rin ni Asec Monilla ang kahalagahan ng GO bags o emergency bags sa panahon ng sakuna.