GENERAL SANTOS CITY – Puspusan na ang paghahanda ng Office of the Civil Defense (OCD) para sa panahon ng La Niña phenomenon sa bansa.
Ayon kay Joriemae Balmediano, spokesperson ng OCD Region 12)(Soccsksargen), layunin nito para matiyak ang kaligtasan ng lahat at walang masawi sa posibleng epekto ng mga pag-ulan tulad ng baha o landslides.
Nakagawian na aniya na bago ng ahensya na masuri ang disaster preparedness sa kada Local Disaster Risk Reduction ang Management Council sa kada lugar sa buong rehiyon ang kanilang kahandaan tuwing tag-ulan kayat pinapasumite ang mga ito ng report.
Kaugnay nito, nakikipagtulungan na ang OCD sa regional offices gayundin sa iba pang government agencies sa paghahanda para sa panahon ng tag-ulan.
Base sa monitoring bulletin ng state weather bureau, inaasahan na mararamdaman sa huling kwarter ng 2024 ang epekto ng La Nina phenomenon na inaasahang magdadala ng mas maraming bagyo at above normal na mga pag-ulan.
Samantala sinabi ni Balmediano na walang naiulat sa kanilang ahensya na mga pagbaha o landslides sa nangyarign malakas na pag-ulan kahapon sa GenSan at iba pang karatig na lugar.