-- Advertisements --

Hinimok ng pamunuan ng Office of Civil Defence ang mga mamamayan sa Luzon na planuhing mabuti ang kanilang byahe ngayong Undas 2024.

Ginawa ng ahensya ang naturang paaalala dahil sa posibilidad ng maulan na panahon sa November 1 at 2 dahil sa epekto ng Super Typhoon Leon sa bansa.

Sa isang pahayag, sinabi ni NDRRMC Spokesperson, Director Edgar Posadas, bagamat ang focus ng monitoring ay nasa bahagi ng Northern Luzon, mararanasan pa rin ang epekto ng naturang sama ng panahon sa iba pang bahagi ng bansa.

Kabilang sa mga lugar na makararanas ng masamang lagay ng panahon ay ang Western Visayas, Eastern Visayas, Zamboanga Peninsula, Northern Mindanao pati na ang BARMM.

Nakabandera naman ang Red Alert status sa maraming rehiyon sa Pilipinas bilang preparasyon sa bagyong Leon.