-- Advertisements --

LA UNION – Naka-blue alert status ngayon ang Office of Civil Defense bilang paghahanda kay bagyong Ramon na posibleng hahagupit sa Northern Luzon.

Sa panayam ng Bombo Radyo La Union kay OCD Region 1 Regional Director Melchito Castro, pinatawag nito ang iba’t ibang miyembro ng Regional Disaster Risk Management Council (RDRRMC) at iba pang ahensiya ng gobyerno upang paghandaan ang paghagupit ng bagyong Ramon sa hilagang Luzon.

Siniguro ni Castro ang kaligtasan ng rehiyon dahil posibleng mag-iba ang track ng masamang panahon.

Nagsasagawa na rin ng pre-disaster risk assessment ang apat na lalawigan sa rehiyon at budget hearing sa mga posibleng tatamaan ng bagyo gaya ng lalawigan ng Ilocos Sur at Ilocos Norte.

Nakaposisyon na rin ngayon ang mga assets at resources ng bawat bayan sa Region 1.