-- Advertisements --

LA UNION – Nananatiling kalmado ang lagay ng panahon sa lalawigan ng La Union bagamat palabas na sa kalupaan ng Luzon ang bagyong Ulysses.

Sa pinakahuling update mula PAGASA, ang bagyong “ULYSSES” ay malakas pa rin habang nananalasa na sa West Philippine Sea partikular sa kanlurang bahagi ng Zambales.

Gayunman, sinabi ni OCD Regional Information Officer Mike Sabado, na naka-alerto pa rin sila hanggang sa tuluyan nang makalabas sa terirtoryo ng Pilipinas ang bagyong Ulysses.

Sinabi ni Sabado, nakatutok ang Regional Disaster Response Team kasama ang mga LGU disaster units, sa mga low lying areas partikular sa Dagupan City at Calasiao sa Pangasinan kabilang sa segundo distrito sa La Union.

Sinabi nito na nakahanda silang rumesponde sa anumang pangyayari sa magiging epekto ng bagyong Ulysses.

Samantala, sa latest weather bulletin na inilabas ng PAGASA tinanggal na lahat ng signal ng bagyo sa bansa.

Base pa sa forecast track ng PAGASA, ang bagyong “ULYSSES” ay inaasahang lalabas ng Philippine Area of Responsibility bukas ng umaga, Nobyembre 13.