LA UNION – Pinangunahan ng Office of Civil Defense (OCD) Region 1 ang R4R o Run for Resilience sa pagsisimula ng National Disaster Resilience Month celebration ngayong buwan ng Hulyo.
Hangarin ng naturang aktibidad na ipaalala sa mga kaukulang ahensiya na bahagi ng Regional Disaster Risk Reduction and Management Council (RDRRMC) ang kanilang katungkulan sa panahon ng kalamidad.
Nais din masiguro ng OCD at RDRRMC na bawat araw ay nakahanda ang mga ito na tumugon sa mga aberya na dulot ng mga bagyo.
Una nang sinabi sa panayam ng Bombo Radyo La Union kay OCD Region 1 Information Officer Mike Sabado, na may 2-3 na bagyo ang posibleng papasok sa bansa ngayon buwan ng Hulyo kung kayat kailangan maging handa sa lahat ng oras sakaling tumama ito sa ilocos region.
Ang R4R ay dinaluhan ng mga kawani mula sa iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan, mga kabataan o PRC volunteers, at ilang mga lokal na opisyal na isinagawa nitong Martes sa syudad ng San Fernando, La Union.
Ang tema ngayong sa naturang selebrasyon ay “Kahandaan sa Sakuna at Peligro Para sa Tunay na Pagbabago.”