-- Advertisements --
CAUAYAN CITY- Itinaas na sa blue alert status ang Office of the Civil Defense (OCD region 2) bilang paghahanda sa bagyong Maring
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Ginoong Michael Conag, tagapagsalita ng OCD region 2 na nagsagawa ng Pre-Disaster risk assessment katuwang ang mga Local Disaster Risk Reduction Management Councils.
Napag-usapan sa kanilang Pre-Disaster risk assessment ay ang pre-positioning ng mga human resource at mga relief goods sakaling kinakailangan.
Lahat anya ng mga Emergency Operation Centers sa mga Local Government Units ay naka-stanby monitoring sa bagyong Maring.
Ramdan na rin ang ulan na dulot ng bagyong maring ilang bahagi ng Region 2 pangunahin na sa mga caostal areas ng Cagayan.